Friend: Crush daw ako ng kaibigan nya. Nung time na yun tinanggap ko sya bilang tagahanga lamang ng mga bagay na nagagawa ko sa buhay ko sa ngalan ng talento sa musika at sining. Naging inspirasyon ako ng kaibigan nya hanggang sa nagdulot ng magandang epekto sa araw araw nya ang aming paguusap. Hindi nagtagal kagaya ng normal na taong may puso, unti unti kaming napalapit sa isat isa at nagkahulugan ng loob. Masaya na mahirap ang aming naging relasyon.
Naghahanap ng lugar kung san magiging malaya sa mata ng publiko na parang mga artista sa showbizz. Madalas na mag-mall ngunit di man lamang magkatabing maglakad o magka-hawak kamay. Isa kasi iyong bawal na pag-ibig ika nga nila. Nagplanong lumayo ng magkasama pero wala ni isa sa mga binalak namin ang natupad. Akala ko noon makakayanan namin ang pagsubok ng distansya pero hindi naglaon kami ay nagdisisyong maging magkaibigan na lamang.
Ngaun ko napatunayang totoo pala yung mga kwento na napapanood ko sa t.v. Noong bata pa ako. Tipong magkaibigan lang kahit na sukdulan ang pagmamahal nila sa isat isa. Natatawa ako noon sa mga inisip kong walang kwentang palabas. Pero mahirap pala talaga yun. Ngayon ko lang rin naiintindihan kung bakit merong mga tumatandang single. Haha
Sa ngayon masaya ako sa nangyayari sa buhay ko (luhang may ngiti) pero hindi ko maitatagong ngangungulila ako sa especial kong kaibigan, Sa king mga kaibigan at pamilyang naiwan ko sa pilipinas. Walang linaw kung kelan ako uuwi. Natatakot ako at wala pang lakas ng loob. Maaring di na muna ako bumalik. Gusto ko kasi makatulong sa kanya, at sa aking pamilya. Isang taon na ang nakakaraan.. Masarap sariwain ang mga kasiya siyang alaala. Lubos kong pinasasalamatan ang Panginoon sa lahat lahat...
Dahil dyan eto ang kanta para sayo kaibigan...
"Sa isip ko'y yakap ka pa..
Sa isip ko'y walang iba
Mananatiling ikaw ang kapiling
Ngunit sa isip ko na lamang."
Huling mga linya nya ay "Hinahayaan ko nalang ang panahong magdikta para sa amin. Kulang ako... Pero mahahanap ko rin ang destinasyon ko pagdating ng panahon. Kung pwede lang sana.."
Wala ako nasabi kung hindi "hay" sabay akap sa kanya. Naalala ko tuloy ang aking nakaraang marso.