Sa eroplano ng Qatar airways ako ay namangha dahil una, may kanya kanyang entertainer (playbook) ang bawat pasahero. Pangalawa, di ka mararamdam ng gutom o uhaw sa complimentary food and beverages na handa para sayo. Unang beses ko itong travel abroad at hindi biro ang haba ng pagupo sa eroplano. Sa gitna ng dalawang lalaki ako ay naluha bandang 2,000 miles na ang layo mula sa pilipinas. Matapos lumuha pinilit kong pigilan at punasan nalang ang luha ko ngunit niyakap ng braso ko ang aking mga mata at tuluyan nang humagulgol na nagtagal ng 5 minuto, mabuti nalang madilim ang eroplano at may kanya kanyang headphone. Naalala ko ang nanay ko, ang mahal ko, ang pamilya ko, ang mukhaad friends ko, ang moj, at ang busy kong buhay sa pilipinas. Sa awa ng Diyos nakarating ako sa Qatar ng maayos. Sa airport ng Qatar ako naghintay ng sampung oras para sa eroplano papuntang copenhagen. Sa paghihintay nakilala ko ang 1 pamilya na Iranians, nagusap kami at nagstay ako sa kanila ng ilang oras hanggang sila ay makalipad.
Nilibang ko ang aking sarili sa duty free, nagpicture, nagantay ng umaga para sa final na destinasyon.
Mula Doha, lumipad ako ng 7 oras papuntang copenhagen at duon, sinalubong ako sa airport ng aking pinsan. Namangha agad ako sa metro train ng denmark na walang nagmamaniubra. Lamig rin ang sumalubong sa akin pagtapak ng aking mga paa sa labas ng paliparan. Sa wakas narating ko ang denmark ng Alas 4 ng hapon sep 14, 2012.
Nagpahinga at naglakad ng 20 mins sa labas, kumain ng kanin at natikman ang napakasarap na luto ni uncle poul. Matapos nun, nagantay sa ibang pinsan na nagluto ng Tinola. Uminom sila matapos ng dinner at ako nagdecide na matulog at magpahinga. Napagod ako sa higit isang araw na byahe ko, ngunit marami akong natutunan.
Ngayong ikalawang araw ko, nagpunta ako sa bahay ng mga pinsan ko, first time ko makakita ng apple tree, kumain ng fresh apple tree na makikita mo lang kung saan saan. kumain naman kami ng Calderetang napakasap luto ng kanilang kaibigan. Ngayon ay hotdog. Ang daming pagkain... tataba ako rito.
Sa kabilang mundo, ang mga mahal ko sa buhay ay binabagyo nanaman, malakas ang ulan at muntik nanaman daw bumaha.. nagaalala na ako.. Panginoon, panatilihin nyo po silang nasa mabuting kalagayan. ingatan nyo po sila. Maraming salamat po sa lakas. Alas dose na pala sa pilipinas kaya ako inaantok. Ciao!
always enjoy your journey, Cha! I miss you! :)
ReplyDeleteP.S. gusto ko din makakita ng apple tree...^^
I thought it would be easy....I miss you and our company so much.... Life is easy but missing people is more than a terrible feeling ate..
DeleteOk lang yan, before you realize it, uuwi ka na! :D and we'll start our business na! hehe...
DeleteSo like!!! :)
Delete