Friday, January 18, 2013

I am grateful for my life.

Hey, What's up? How are you doing? How'd you feel today? What's your plan for tomorrow? Would you try new things today? Are ye going somewhere for a walk? What's on your mind now? Are you going to see a special someone today or a special place maybe? What's in there, and who's gonna be with you?


Dear blog,

If I would describe what I have been feeling this year, it is GRATEFULNESS. Today we had the very late celebration of Christmas and new year with Saint Anne's Music Ministry members and it was great. I am grateful that in everyday that I chose to spend with them I always find myself smiling on my way home. I am grateful for having this place, people and ministry in my life. Wala pa ang spring pero nagsisimula na namang magmahal ang puso ko.


Sa aking mahal na Ama,

There are a lot of things na lubos kong pinasasalamatan sayo. Patuloy mo parin akong binibigyan ng direksyon kahit na may mga pagkakataong lumilihis akong kusa sa landas ko.
Masaya kong iniisip na kahit na ganito ako, hindi mo ako inilalayo sa loob mo, at lalo mo akong hinihila papalapit sayo. Panginoon sa araw araw na patuloy akong namumuhay sa ibang bayan, marami akong natututunan sa buhay. Di matatawaran ang mga karanasang aking nadaranasan at aral sa buhay na aking natututunan. Salamat po sa mga taong ipinagkaloob mo sa akin upang kumalinga at gumabay sa akin, nawa'y biyayaan nyo pa po sila ng mas masigla at masaganang buhay dahil sa kabusilakan ng kanilang puso at pagmamahal ng tunay sa kapwa nilang naglilingkod sayo Panginoon. Salamat po sa talentong nagbibigay ng kulay at daan upang magamit ko saan man ako mapunta, batid kong hindi ako ang pinaka-magaling ngunit inilagay mo ako sa posisyong ito. Isang bagong mission at responsibilidad na dapat kong tugunan sa ngalan mo Ama. Alam mong ang tunay na hangarin ng aking puso'ay maglingkod lamang sa iyo kaya naman patnubayan nyo po sana ako sa bawat salitang aking sasambitin, sa aking mga plano, sa aking pakikitungo, sa pakikipagrelasyon sa aming kumunidad, gabayan nyo po ako sa bawat gawain ko na sana'y magawa ko ng tama at walang kulang, hipuin at gabayan mo ang aking mga kamay habang ako'y tumutogtog at nagbabahagi ng musika para sayo Panginoon, hangad kong maipalapit ang puso ng aking mga kapatid sa iyong bigkis sana'y maramdaman nila ang bawat pitik ng aking kamay sa pag-awit ng musika.Ito na marahil ang isa sa mga pinakamagandang iniregalo mo sa akin Panginoon, ni kailanman hindi ko inisip na ganito pala ang dulot ng iyong biyaya sa akin. Panginon, maraming maraming salamat po sa iyong walang sawang pag-suporta at pagmamahal. Patuloy akong mamumuhay araw araw ng may pag-asa dahil sayo. Panginoon, dalangin ko rin po ang kasiyahan ng aking mga kapamilya, kaibigan at mga taong nalulugmok sa kalungkutan at pagkalito na tila hindi makita ang daan patungo sa iyo. Madalas akong napapaiyak dahil sa mga suprises mo, ito ang tunay na buhay. Salamat dahil sa hirap at ginhawa kasama kita. Habangbuhay akong maglilingkod sayo Panginoon, Mahal na mahal ko po kayo.

2 comments:

  1. Hi Cha! Elmer here. It's nice to see na nagtuloy-tuloy ang blog mo! Hopefully, ma-maintain mo ito at dumami lalo ang readers mo! Ingats lagi :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello kuya Elmer, you know it's great knowing that you check my personal thoughts here too and thank you for subscribing kuya, I really appreciate it. I hope nga na mamaintain ko ito, most often kasi wala na akong inspiration magsulat at magkwento pero I think it's good nga na ituloy tuloy na ito for my self growth as well. I hope kahit papano naeentertain kayo.. Thank you so much. Take care! :)

      Delete